Tuesday, December 16, 2025

this.


"Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa buhay mo, 
alam kong may mga sugat kang 
hindi ko basta mahihilom
pero mananatili ako 
sa distansyang hindi nakakasakal,
yung sapat lang.
para maramdaman mong 
hindi ka kailanman nag-iisa.
Hindi ko ipipilit ang sagot 
na hindi mo na kayang ibigay.
Hindi ko hahayaang maging 
bigat ang presensya ko, 
pero hindi rin ako aalis 
kahit gaano ka katahimik
dahil minsan, ang pagmamahal ay ipinapakita 
sa pananatiling hindi umaangkin.
Hindi ko ipipilit ang "tayo" 
kung hindi na panahon,
pero narito ako
buo at marangal sa paghawak sayo, 
kahit sa hangin mo lang ako pinapayagang manatili.
Hindi ako aalis,
dahil sa puso kong marunong magmahal, 
may puwang ka... kahit ayaw mo nang pasukin."


No comments:

Post a Comment